Naisip ko lang dahil sa reunion concert nila ay baka maraming interesado sa discography ng Eraserheads. Ibig sabihin ng discography ay lahat ng mga records (CD, cassette tape, plaka vinyl) na inilabas kung saan kasama ang isang artista, banda o musikero. Swerte ang BMG Pilipinas sa reunion na ito, sigurado maraming bibili ng back catalog ng Eraserheads, easily 10,000 units sold ito for this year alone lalo na’t ilang beses ipapalabas sa MTV ang first set ng Easerheads reunion concert last August 30, 2008.
Sayang nga at hindi nabuo ang concert, mas tabo sana ang kita ng BMG. Yung producer ng concert ewan kung nakabawi sila, pero dahil sa nakagenerate naman sila ng exclusive content for MTV eh baka sulit at msaya na rin si Francis Lumen.
Mamaya ko na lang i-post yung mga actual info details ng Eheads CDs although eto ang complete list ng mga solo albums of the original Eraserheads lineup:
- PopU!
- UltraElectroMagneticPop
- Circus
- CutterPillow
- Fruitcake
- Banana Type (EP)
- Sticker Happy
- Aloha Milkyway
- Natin99
- Carbon Stereoxide
- Please Transpose (EP)
At get well message pala to ELY BUENDIA, pagaling ka parekoy at pahinga ka muna.
tags: Eraserheads, Eraserheads reunion, Eraserheads concert, Ely Buendia,
About Gerry D: .




